Niyo @ MindSay


 

   
Galit.


Naririndi na talga ako sa mundong ginagalawan ko. Sa mga taong kaylang kong pakisamahan. Nasaan na yung optimism ko? Nasaan na ako?

Where is my fucking stand in this fucking world? Hindi ko na alam. Hindi ko na ata kayang magpatuloy sa pagkukunwari. Matagal ko ng pinipigilan magpakita ng emosyon, magpakita ng kahinaan, magpakita ng kahit anong galaw na masasabing mali sa paningin ng ibang tao: matagal na akong hindi nagpapakatao.

Ano bang tinatakbuhan ko? Ano bang ayaw kong marinig? Siguro natatakot ako sa katotohanan, siguro takot lang talaga akong malaman na katulad lang ako ng ibang tao. Parati ko kasing gustong maging iba, maging tunay na indibidwal, pero dapat ko na din sigurong aminin na nakakapagod din pala.

Ano nanaman ba itong nalaman ko? Panibagong katotohanan na kaylangan kong tanggapin, pag-aralan, at palaguin. Napaka komplikado talaga. Bakit hindi nalang pwedeng maging iba ako sa karamihan, period. Bakit kaylangan dumating pa ako sa puntong ito? Nagtatanong, nalilito, naririndi, sumusuko.

Civilized, kaylangan magpaka civilized. Kaylangan wag ka magagalit, wag kang iiyak, wag kang masasabi ng mga salitang kalye, wag kang aarte na parang wala kang pinag-aralan: kaylang maging manhid ka lang parati.

Asan na yung boses na pinagmamalaki ko? Na akala ko nahanap ko na, yun pala ginagamit ko naman sa mga sitwasyong dapat tumahimik. Sa mga sitwasyong dapat kong gamitin ang boses ko nananahimik naman ako. Putangina, naiintindihan mo ba ako?

 

(re-blogged from www.literaturegirls.blogspot.com)

 
 
   
 

 
Latest Comment
Re: Don't wake me up... - yes you did lol

Read...


 
© 2005-2007 MindSay Interactive LLC
| Terms of Service
| Privacy Policy
My Account
Inbox
Account Settings
Lost Password?
Logout
Blog
Update Blog
Edit Old Entries
Pick a Theme
Customize Design
Modify Plugins
Community
Your Profile
Wiki Pages
MindSay Tags
Video & Photos
Geographic Directory
Inside MindSay
About MindSay
MindSay and RSS
Report Spam
Contact Us
Help