GROUP 2B - 9,220 / 9,220 (100%) users invited back [last: ] Discuss
 





Friendship @ MindSay



 

   
SIKRETO

Gusto mo palang maging barista –

Ni sa hinagap ay hindi ko naisip yon.

Nakakatawa na kung kailan

Nalalapit ang pag-alis mo

Ay saka lang tayo nagkukwento

Ng mga kwentong atin:

Mga dating sugat,

Mga tagong pangarap,

Mga nais marating.

Andami-daming araw na dumaan

Pero ngayon lang natin anbubuksan

Ang ilang kabanata ng buhay

Na matagal nang naisulat –

Ang iba ay ibinaon na sa limot,

Ang iba ay hinihintay na matupad.

Nakakatawang nakakalungkot.

Pero siguro ganoon talaga:

May kani-kaniyang panahon

Ang paglalahad ng kwento.

At may mga kwentong kahit lumipas pa

Ang mahabang panahon

Ay hindi maisisiwalat,

Hindi maibabahagi,

At mananatili na lang sikreto,

Natatago,

Hindi maisasatinig.

 

/em

061814wed.

 
 
   
 

#HappyMama

Ilang araw na lang, aalis ka na –

Wala na yung mag-aayang kumain sa 5th

Pero sa Gorky’s naman ang bagsak,

Wala ng magpipigil kay Mama-San na bembangin si Humam,

Wala ng tagasalo sa rants ko at ni lola S.

Ilang tulog na lang, maiiba na ang mundo mo,

Lalo na ang mundo namin –

Isa kang dakilang pacifier pag sasabog na ko sa inis,

Protector pag may engot akong ka-email,

Reminder pag nawawala ako sa hulog.

Nakaka-sad pero alam ko naman

Mas mapapabuti ka doon –

Haller! Greener pasture,

Added learning,

Better package –

Pero sad pa rin.

Siguro kung andito si Mama-San,

Mag-aaya yung uminom

Este kumain pala sa labas –

Idadaan na lang sa kain yung devastation nya.

Baka nga malimutan nya ang diet nya

At kumain ng comfort foods

Tapos iinom ng galon-galong kape.

Langya, di mo pa sya patutulugin!

Pero ganoon talaga, life goes on –

We’d go our separate ways

And make our own dreams and realities.

But the bottomline is, we’d always be friends

Wherever our feet lead us.

O sya, tenkyu beri big for ebriol.

Kita-kits sa Gorky’s Gateway! J

 

/em

032714thurs.

To Happy Mama

 
 
 

   
PRM

Hindi kita mami-miss,

Hindi talaga,

Hinding-hindi:

Para ikaw lang naman ang kalimitang kasama ko

Sa pagtuklas ng mga bagong resto,

Sa panonood ng samu’t-saring movies,

Sa pagpunta sa mga lugar na hindi ko alam.

Hindi talaga kita mami-miss –

Hindi ko mami-miss pumunta dyan sa mundo mo

Pag minsang nawawala ka sa hulog

(o pag minsang windang naman ang mundo ko).

Hindi ko mami-miss kumain ng tusok-tusok at uminom ng BJ (buko juice)

At maglakad, maglibot, magkwentuhan

Doon sa lugar na pinaka-komportable ako.

Hindi ko mami-miss ang milk tea ni Som’s,

O ang durian ice cream ng FIC,

Ang isaw ni mang Jimmy’s, ang tapa ni Rodic’s,

Ang fish ice cream sa Korean store at dvd ni kuya Jocjoc,

Ang tomato with pesto sa Kanto,

Ang hole in the wall burgers ng Snack Shack,

Ang super sarap na yellow sauce ni Rap’s,

Ang buffet sa Viking’s at kung saan-saan pa.

Hindi ko mami-miss ang countless movie sessions natin –

From the free movies sa Shang pag may moviefest

To indie films na maganda o minsan M to M pa

To plays (uu, minsan chochal tayo) sa Meralco Theater or PETA –

Hindi ko talaga mami-miss yan, hinding-hindi.

Hindi ko rin mami-miss yung mga kwentuhan

Na minsan seryoso pero palagi, walang kwenta (chos!)

O minsan tawa ng tawa sa kalokohang naisip

At pagti-trip sa mga nakakausap sa mall o fastfood.

Hindi ko mami-miss ang ilang concerts na napanood

At ang mga pyrolympics na hindi pinalampas –

Kesehodang ma-sunburn basta lang makapwesto nang maganda

At makita ang magagandang fireworks display

(take note, takot pa ko sa fireworks nyan!).

Hindi ko mami-miss ang minsang crayola moments –

Sya aamin na kong wala namang problema sa glasses sa sine

Noong pinanood natin yung UP,

Naiyak lang talaga ako sa first 10 minutes nong movie,

O yung foodcourt crying scenes mo dahil sa isang tula

At sa isang bagong policy ng kumpanya nyo

Na kung ngayon ka kamo mag-a-apply e baka hindi ka natanggap.

Hindi ko mami-miss yang mga yan

Kaya huwag na huwag mo kong asahang darating sa pa-despedida sa iyo –

Wala akong balak maiyak at maghanap na naman ng mapagbubuntunan ng sisi

Oras na tumulo ang luha ko –

Wala na tayo sa 3D movie at wala ng salaming pwedeng sabihing defective.

Hindi talaga kita mami-miss.

Hindi talaga.

Hinding-hindi.

 

/em

063014mon.

To carebear

 
 
   
 

Isanlibong Araw

Isanlibong Araw

 

Alam ko na matagal na tayong magkakilala,

Matagal ng nag-uutuan,

Nagkukulitan,

Nag-aasaran.

Madami na din tayong pinagdaanan

At pinagsamahan.

Isa ka sa taong hindi ko man sabihin

E importante sa akin,

Isa ka sa iilang taong pinapasok ko sa mundo ko,

Pinakilala sa mga kilala ko,

Pinakita kung sino ako.

Di ka perpekto

Gaya ng marami din akong mali

Pero naiintindihan kita

At nauunawa mo ko.

Give and take lang.

Tulungan, brutalan, walang puknat na kwentuhan,

Walang tigil na lakaran,

Palitan ng opinyon,

Bottomline –

Friendship.

Di man natin nakita ang magandang pagsikat ng araw,

Na-sunburn man tayo sa paghihintay sa fireworks,

Namitig ang paa sa Eheads concert,

Inumaga sa gimikan,

Namroblema sa kung anoman,

Narating ang saanman,

Nakilala ang maraming sinoman,

Sa dulo nito, andito pa rin tayo.

Nagka-Ondoy na,

Tsunami,

At kung ano-ano pa,

Pero andyan ka pa rin

At andito pa rin ako.

Ilang taon ng ganito.

At sana, kahit lumipas pa ang mga dekada,

Ganito pa rin tayo –

Yung andyan ka para sa kin

At nandito ako para sa yo.

Salamat.

 

/em

070513fri.

Para kay Care Bear

 
 
 

   
No Time

No Time

 

Walang pinipiling oras ang pagkakaibigan.

Walang pinipiling panahon,

Walang kapangyarihan ang distansya

Dahil minsan, mas malapit ka sa taong malayo sa iyo

Kaysa sa mga kasama mo araw-araw.

Hindi kita nakita

Ni nakangitian kaya

Pero nagagawa mo akong mapatawa

Kahit pa boses mo lang ang naririnig ko,

Nagagawa mong bawasan ang problema

Sa pamamagitan ng mga mensahe mo,

Napapagaan mo ang loob ko

Sa mga payo mo’t pangaral.

Hindi sapat ang distansya sa pagitan natin

Para paglayuin ang isa’t-isa –

Hindi man kita kasama,

Hindi man kita ka-bonding sa mall,

Hindi man kita kasabay humigop ng kape sa SB

Pero alam ko, importante ka sa akin

At mahalaga ako sa iyo.

Salamat.

Huwag ka sanang magsasawa

Kahit unique ako at strange ka,

Kahit mahilig ka sa fresh banana at ako sa leche flan,

Kahit na maarte ka at adik ako –

Friends tayo, yun ang alam ko.

Salamat sa kulitan,

Salamat sa puyatan,

Salamat sa asaran.

Maraming salamat.

 

/em

092412mon.

To unique and strange

 
 
   
 

Showing 1 - 5.   [ Next ]
 
Latest Comment
(no subject) -

Read...


 
My Account Inbox
Account Settings
Lost Password?
Logout
Blog Publish New Entry
Edit Old Entries
Customize Design
Community Inbox
Your Profile
MindSay Tags
Inside MindSay About MindSay
MindSay and RSS
Help
© 2003- MindSay Interactive LLC
| Terms of Service
| Privacy Policy