(adapted mula sa EUTHYPRO ni plato)
LONG SHOT. (ESTABLISHING SHOT)
EXT. HARAP NG ISANG MALAKING GUSALI. HAPON
makikita ang 2 pangunahing tauhan sa konteksto ng kanilang kinaroroonan. napapaligiran ng isang carpark at mga naglalakihang gusali. konti lang ang mga tao sa kanilang paligid. pareho silang naninigarilyo, at kahit malayo sila sa paningin ay masasabi mong mayroon silang pinagtatalunan.
V.O. (SOCRATES): ipapaliwanag ko sa'yo ng mas mabuti: ang pinaguusapan natin ay isang bagay na dinadala, at isa na nagdadala, ng isang bagay na pinapamunuan, at isang pamumuno, ng isang bagay na tinitingnan at isang pagtingin... at nage-gets mo ba na ang mga bagay na'to ay di parehas at kung paano sila naiiba?
MEDIUM SHOT. EUTHYPRO
EUTHYPRO(mapapaisip at matitigilan ng ilang saglit. pagkatapos ay titingin sa malayo)
EUTHYPRO: sa tingin ko.
MEDIUM SHOT. SOCRATES AT EUTHYPRO.
pareho silang matatahimik. at sa panahong ito na kahit walang kumikibo, pawang me kasunduan na na maghahalinhinan sila sa paghithit at pagbuga ng kanilang awak na sigarilyo.
puputulin ni socrates ang ritmo ng kanilang paghithit buga at magsisimulang magsalita.
MEDIUM SHOT. SOCRATES
SOCRATES: so, meron isang minamahal at isang nagmamahal..., at ang nagmamahal ay isang ibang bagay.
MEDIUM SHOT. EUTHYPRO
EUTHYPRO: siempre.
MEDIUM SHOT. SOCRATES AT EUTHYPRO
SOCRATES: sabihin mo nga sa'kin: ang isang bagay ba na dinudulot ay DINUDULOT dahil may nag dudulot dito? o may iba pang dahilan?
CLOSE-UP. EUTHYPRO
EUTHYPRO: hindi! yun na ung dahilan e.
MEDIUM SHOT. SOCRATES
SOCRATES: at ang isang bagay ay pinapamunuan dahil may namumuno sa kanya, at ang isang bagay ay nakikita dahil may nakakakita sa kanya.
MEDIUM SHOT. SOCRATES AT EUTHYPRO
EUTHYPRO: korek!
sa mga susunod na eksena ang kamera ay tututok sa iba't-ibang bahagi ng paligid nina socrates at euthypro habang si socrates ay nagpapamalas ng isang katangiang nagpapatunay kung bakit sya karapat-dapat sa bansag na "pilosopo"
CLOSE UP. SOCRATES
SOCRATES: hindi na, ang isang bagay ay nakikita, dahil ito ay natitingnan, kundi, datapwa't ito ay natitingnan kaya ito nakikita.
CLOSE UP. EUTHYPRO
V.O. (SOCRATES): at hindi rin na ito ay napapamunuan dahil may namumuno dito kundi, may namumuno dito kaya ito napapamunuan
CLOSE UP. KAMAY NI EUTHYPRO NA NAGTATAKTAK NG SIGARILYO
V.O. (SOCRATES): hindi rin na ang isang tao ay nagdadala ng isang bagay, dahil ito ay dinadala, kundi, ito ay dinadala dahil mayroong nagdadala dito.
MEDIUM SHOT. MGA SANGA NG PUNO NA NASA TAAS NI EUTHYPRO
V.O. (SOCRATES): malinaw ba kung anong ibig kong sabihin, euthypro?
MEDIUM SHOT. EUTHYPRO, humihithit ng yosi
V.O. (SOCRATES): ang tinutumbok ko, na... pag ang isang bagay ay nagiging isang bagay, o naaapektohan, hindi ito nagiging ganito dahil talagang nagiging ganito sya
MEDIUM SHOT. MGA SANGA NG PUNO NA DINADALA NG HANGIN
V.O. (SOCRATES): kundi nagiging ganito sya dahil may nagdudulot na maging ganito sya.
LONG SHOT. SOCRATES AT EUTHYPRO
V.O. (SOCRATES): at ang isang bagay ay di naaapektohan dahil sya ay naaapektohan, kundi, naaapektohan sya dahil MAYROONG nagaapekto sa kanya. o pumapayag ka ba?!